Mga Hanapbuhay

Banking, insurance at financial clerk

Banking, insurance at financial clerk
NOC 14201
  • Ang grupong ito ay gumaganap ng ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Mga klerk sa bangko
  • Magtipon ng mga talaan ng mga deposito, pag-withdraw, pagbabayad sa pautang at mortgage, tseke, at pagbili, pagbebenta at pagpapalitan ng mga securities
  • Magproseso ng mga aplikasyon para sa pautang at mortgage, mga pagbabayad sa pautang at mortgage, mga aplikasyon para sa retirement savings plan, term deposit, draft at money order
  • Magberipika at magtugma ng mga transaksiyon sa automated teller machine at mga entry sa ledger, magkalkula ng mga singil sa serbisyo at bayad sa interes, at mag-abiso sa mga kliyente tungkol sa mga pagkakaiba sa account at mga nakumpiskang bank card
  • Sumagot sa mga katanungan at magbigay ng impormasyon tungkol sa mga produkto, patakaran at serbisyo ng bangko
  • Maaaring magbenta ng mga draft, money order, tseke ng biyahero at dayuhang salapi; magpaupa ng mga safety deposit box; at magbukas at magsara ng mga savings, chequing at iba pang account.
  • Mga klerk sa insurance
  • Magproseso ng pagpapatala, pagkansela, mga transaksiyon sa claim, pagbabago sa polisiya at pagbabayad ng premium
  • Suriin ang mga aplikasyon sa insurance at beripikahin ang saklaw ng insurance, mga premium na nabayaran at iba pang impormasyon tungkol sa insurance
  • Magkalkula ng mga premium sa insurance, benepisyo sa pensiyon at bayad sa annuity
  • Magtipon at magpanatili ng datos ng mga claim, mga rate at datos at talaan ng insurance
  • Sumagot sa mga katanungan at magbigay ng impormasyon tungkol sa mga produkto, patakaran at serbisyo ng insurance.
  • Iba pang mga klerk sa pananalapi
  • Magtipon at magpanatili ng mga listahan ng paupahan, benta at iba pang ari-ariang real estate
  • Magtipon at magpanatili ng mga listahan ng stock, bond at iba pang securities
  • Mag-uri-uri, magberipika at magproseso ng mga transaksiyon sa real estate, securities at iba pang transaksiyong pinansiyal
  • Sumagot sa mga katanungan at tumugon sa mga liham.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Kinakailangang makatapos ng sekondaryang paaralan.
  • Maaaring kailanganin ang diploma mula sa kolehiyo ng negosyo.
  • Karaniwang kinakailangan ang pagsasanay habang nagtatrabaho at mga panandaliang kurso o programa ng pagsasanay na partikular sa institusyong pinansiyal.