Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado
Para matanggap sa programa ng masteral ng Kagawaran ng Kurikulum, Pagtuturo at Pagkatuto, kailangang taglay ng bawat aplikante ang:
apat na taong digri ng Bachelor of Education, o dalawang taong Bachelor of Education pagkatapos ng naunang digri, o katumbas na digri mula sa institusyong pang-akademiko na kinikilala ng Faculty of Graduate Studies;
[Para sa programang M.Ed. sa Edukasyon sa Ikalawang Wika, tinatanggap ang katumbas na apat na taong undergraduate degree mula sa institusyong pang-akademiko na kinikilala ng Faculty of Graduate Studies.]
grade point average na 3.0 o mas mataas sa huling 60 credit hour ng mga kurso sa unibersidad;
dalawang taon ng kaugnay na karanasan sa trabaho (o katumbas nito); at
angkop na akademiko at/o propesyonal na karanasan para sa larangan at espesyalisasyon ng programa.
Marka sa pagsusulit sa kasanayan sa Ingles (kung naaangkop).