- Isinasagawa ng pangkat na ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Mag-iskedyul at magkumpirma ng mga medikal na appointment, at tumanggap at maghatid ng mga mensahe para sa mga kawani ng medisina at mga pasyente
- Magpasok at mag-format ng mga medikal na ulat at liham na nakabatay sa elektronikong datos, at maghanda ng mga spreadsheet at dokumento para sa pagsusuri
- Interbyuhin ang mga pasyente upang makumpleto ang mga form, dokumento at kasaysayan ng kaso
- Kumpletuhin ang mga form para sa insurance at iba pang paghahabol
- Magsimula at magpanatili ng mga kumpidensiyal na medikal na file at rekord
- Maghanda ng mga burador ng adyenda para sa mga pulong, at kumuha, mag-transcribe at mamahagi ng mga katitikan
- Maghanda ng mga pahayag sa pananalapi at pagsingil
- Magtatag at magpanatili ng iba’t ibang panloob na pamamaraan ng suportang administratibo sa opisina, tulad ng pagsubaybay at pag-aayos ng mga dokumento at buwanang pag-uulat
- Umorder ng mga suplay at magpanatili ng imbentaryo
- Magtakda at magpatupad ng mga pamamaraan at regular na gawain sa opisina
- Maaaring mangasiwa at magsanay ng iba pang kawani sa mga pamamaraan at paggamit ng kasalukuyang software.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Karaniwang kinakailangan ang pagtatapos ng sekundaryang paaralan.
- Karaniwang kinakailangan ang pagtatapos ng isa o dalawang taong programa sa kolehiyo o iba pang espesyalisadong kurso para sa mga sekretarya o medikal na sekretarya.