Mga Hanapbuhay

Medical administrative assistant

Medical administrative assistant
NOC 13112
  • Isinasagawa ng pangkat na ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Mag-iskedyul at magkumpirma ng mga medikal na appointment, at tumanggap at maghatid ng mga mensahe para sa mga kawani ng medisina at mga pasyente
  • Magpasok at mag-format ng mga medikal na ulat at liham na nakabatay sa elektronikong datos, at maghanda ng mga spreadsheet at dokumento para sa pagsusuri
  • Interbyuhin ang mga pasyente upang makumpleto ang mga form, dokumento at kasaysayan ng kaso
  • Kumpletuhin ang mga form para sa insurance at iba pang paghahabol
  • Magsimula at magpanatili ng mga kumpidensiyal na medikal na file at rekord
  • Maghanda ng mga burador ng adyenda para sa mga pulong, at kumuha, mag-transcribe at mamahagi ng mga katitikan
  • Maghanda ng mga pahayag sa pananalapi at pagsingil
  • Magtatag at magpanatili ng iba’t ibang panloob na pamamaraan ng suportang administratibo sa opisina, tulad ng pagsubaybay at pag-aayos ng mga dokumento at buwanang pag-uulat
  • Umorder ng mga suplay at magpanatili ng imbentaryo
  • Magtakda at magpatupad ng mga pamamaraan at regular na gawain sa opisina
  • Maaaring mangasiwa at magsanay ng iba pang kawani sa mga pamamaraan at paggamit ng kasalukuyang software.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Karaniwang kinakailangan ang pagtatapos ng sekundaryang paaralan.
  • Karaniwang kinakailangan ang pagtatapos ng isa o dalawang taong programa sa kolehiyo o iba pang espesyalisadong kurso para sa mga sekretarya o medikal na sekretarya.