Mga Hanapbuhay

Operator at attendant sa amusement at sports

Operator at attendant sa amusement at sports
NOC 65211
  • Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Mga operator ng atraksyon sa amusement
  • Magmaneho ng mga trak, van at iba pang sasakyan upang maghatid ng mga ride, laro at iba pang atraksyon sa mga lugar ng amusement
  • Magkabit at maghanda ng mga ride, fun house, puwesto ng mga laro at iba pang atraksyon sa amusement
  • Magsagawa ng regular na pagpapanatili at mga inspeksiyon pangkaligtasan sa mga kagamitan ng atraksyon
  • Magpatakbo ng mga ride at iba pang atraksyon, mangasiwa sa mga laro at tiyakin ang kaligtasan ng mga kalahok
  • Maaaring magbenta ng mga tiket.
  • Mga attendant sa amusement, libangan at sports
  • Mangolekta ng mga tiket at bayarin, at magpaupa o magbenta ng mga kagamitang pang-isports at aksesorya
  • Magtakda ng iskedyul para sa paggamit ng mga pasilidad para sa libangan, gaya ng mga golf course, tennis court, bowling alley, fitness club, campground at iba pang katulad na pasilidad
  • Magpatakbo ng mga kagamitan sa pasilidad para sa libangan, gaya ng mga ski lift, kagamitan sa ice rink at mga makinang panggawa ng niyebe
  • Tumulong sa mga parokyanong sumakay at bumaba sa mga ski lift at ride sa amusement park, magkabit at mag-alis ng mga sinturon at harang pangkaligtasan, at subaybayan ang mga kagamitan upang makita ang pagkasira at pagkaupod
  • Maglinis at magpanatili ng mga pasilidad para sa libangan at mga bakuran.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Maaaring kailanganin ang ilang pag-aaral sa sekundaryang paaralan.
  • Karaniwang ibinibigay ang pagsasanay sa trabaho.

Karagdagang Impormasyon

Ang 6316 ay naging 62029 at ang bahagi nito ay inilipat sa 65211