Mga Hanapbuhay

Retail at wholesale trade manager

Retail at wholesale trade manager
NOC 60020
  • Ginagawa ng pangkat na ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Magplano, mamahala at magsuri ng mga operasyon ng mga establisimyentong nagsasagawa ng pakyawan at tingiang pagbebenta, o ng mga departamento sa mga establisimyentong ito
  • Mamahala ng mga kawani at magtalaga ng mga tungkulin
  • Magsuri ng pananaliksik sa merkado at mga uso upang matukoy ang demand ng mamimili, posibleng dami ng benta at epekto ng mga operasyon ng mga kakompetensiya sa benta
  • Magtakda ng mga paninda at serbisyong ibebenta, at magpatupad ng mga patakaran sa presyo at kredito
  • Humanap ng mga supplier at makipagnegosasyon sa kanila kung kinakailangan upang makakuha ng mga panindang muling ibebenta
  • Bumuo at magpatupad ng mga estratehiya sa marketing
  • Magplano ng mga badyet, magpahintulot ng mga gastusin at sumubaybay sa kita
  • Suriin at pagbutihin ang serbisyo sa kostumer, at tumugon sa mga kahilingan at isyu ng mga kostumer
  • Tugunan ang mga pangangailangan sa kawani, kabilang ang pagkuha, pagpapaunlad at pagpapanatili ng mga kawani

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Kinakailangang nakatapos ng sekundaryang paaralan.
  • Maaaring kailanganin ang digri sa unibersidad o diploma sa kolehiyo sa pangangasiwa ng negosyo o sa ibang larangang may kaugnayan sa produktong o serbisyong ibinebenta.
  • Karaniwang kinakailangan ang ilang taong karanasan sa kaugnay na tingian o pakyawang pagbebenta, na may unti-unting pagtaas ng antas ng responsibilidad.