- Ginagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Nagtuturo ng isa o higit pang asignatura sa unibersidad sa mga undergraduate at graduate na estudyante
- Naghahanda at nagbibigay ng mga lektura sa mga estudyante, at nagsasagawa ng mga laboratory session o pangkatang talakayan
- Naghahanda, nangangasiwa at nagmamarka ng mga pagsusulit, takdang-aralin sa laboratoryo at mga ulat
- Gumagabay sa mga estudyante tungkol sa mga asignatura, usaping akademiko at mga pagpapasya sa karera
- Nangangasiwa sa mga programa sa pananaliksik ng mga graduate na estudyante at nagpapayo tungkol sa mga usapin sa pananaliksik
- Nagsasagawa ng pananaliksik sa larangan ng espesyalisasyon at naglalathala ng mga natuklasan sa mga akademikong journal o aklat
- Maaaring maglingkod sa mga komite ng faculty na tumatalakay sa mga bagay tulad ng pagpaplano ng kurikulum at mga kinakailangan para sa digri, at magsagawa ng iba’t ibang tungkuling administratibo
- Maaaring kumatawan sa kanilang mga unibersidad bilang mga tagapagsalita at panauhing lecturer
- Maaaring magbigay ng mga serbisyong propesyonal na konsultasyon sa pamahalaan, industriya at mga pribadong indibidwal.
- Nagpapakadalubhasa ang mga propesor at lecturer sa unibersidad sa isang partikular na asignatura, gaya ng biyolohiya, kimika, anatomiya, sosyolohiya, pangangasiwa ng negosyo o batas.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Kailangan ng mga propesor sa unibersidad ang digring doktoral sa larangan ng kanilang espesyalisasyon.
- Kailangan ng mga lecturer sa unibersidad ang digring master sa larangan ng kanilang espesyalisasyon.
- Maaaring kailanganin ang mga lisensiya o propesyonal na sertipikasyon para sa mga propesor na nagtuturo sa mga magiging practitioner sa ilang larangang kinokontrol ng propesyon, gaya ng medisina, inhinyeriya, arkitektura, sikolohiya o batas.