- Ginagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Mga lisensiyadong praktikal na nars
- Magbigay ng mga serbisyong pangnars, alinsunod sa itinakdang saklaw ng pagsasagawa, sa mga pasyente batay sa pagtatasa sa pasyente at mga pamamaraan sa pagpaplano ng pangangalaga
- Magsagawa ng mga interbensiyong pangnars tulad ng pagkuha ng mga vital sign, paggamit ng mga aseptikong pamamaraan kabilang ang sterile na pagbebenda, pagtitiyak sa pagkontrol ng impeksiyon, pagsubaybay sa nutrisyonal na pag-inom at pangongolekta ng mga specimen
- Magbigay ng mga gamot at obserbahan at itala ang mga epektong panterapeutika
- Magbigay ng personal na pangangalaga at pangangalaga para sa ginhawa bago at pagkatapos ng operasyon
- Subaybayan ang naitatag nang respiratory therapy at intravenous therapy
- Subaybayan ang pag-usad ng mga pasyente, suriin at itala ang bisa ng mga interbensiyong pangnars at makipagtulungan sa mga angkop na miyembro ng pangkat ng pangangalagang pangkalusugan
- Magbigay ng edukasyon tungkol sa kaligtasan at kalusugan sa mga indibidwal at kanilang mga pamilya.
- Mga teknisyan sa operating room
- Ihanda ang mga pasyente para sa operasyon sa pamamagitan ng paghuhugas, pag-aahit at pag-isterilisa sa mga bahagi ng katawan na ooperahan
- Tumulong sa operasyon sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga instrumento, paghahanda ng kagamitan, pagtulong sa mga pangkat ng operasyon sa pagsusuot ng mga gown at guwantes, at pag-abot ng mga instrumento sa mga siruhano
- Subaybayan ang kalagayan ng mga pasyente habang inooperahan, gaya ng dami ng pumapasok at lumalabas at pagkawala ng dugo, at ipaalam at itala ang anumang pagbabago
- Linisin at isterilisahin ang operating room at mga instrumento.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Kailangan ang pagkumpleto ng bokasyonal, pangkolehiyo o iba pang aprubadong programa para sa mga lisensiyadong praktikal na nars.
- Kailangan ang pagpaparehistro sa isang regulatory body sa lahat ng probinsiya at teritoryo.
- Kailangan ang pagkumpleto ng pagsusulit para sa pagpaparehistro sa lahat ng probinsiya at teritoryo.
- Kailangan ng mga teknisyan sa operating room ang karagdagang akademikong pagsasanay sa mga pamamaraan sa operating room.