Mga Hanapbuhay

Optician

Optician
NOC 32100
  • Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Kunin ang mga espesipikasyon para sa salamin sa mata o contact lens mula sa reseta na ginawa ng ophthalmologist o optometrist, o sa pamamagitan ng pagsusuri sa salamin sa mata o contact lens ng kliyente; magsagawa ng mga kinakailangang sukat, kabilang ang kurbada ng mga mata, eksaktong posisyon ng mga balintataw at lapad ng tulay ng ilong, gamit ang mga aparatong panukat para sa optika
  • Payuhan ang mga kliyente sa pagpili ng salamin sa mata sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa kanila tungkol sa iba’t ibang produkto, gaya ng mga materyales ng lente, frame, tint at patong na panlaban sa repleksiyon
  • Ayusin ang mga contact lens at turuan ang kliyente kung paano gamitin at pangalagaan ang mga ito
  • Gilingin, pakinisin, gupitin at tabasin ang mga lente, o ipagawa ang mga ito sa laboratoryo bago ikabit sa frame
  • Ayusin ang natapos na salamin sa mata upang bumagay sa kliyente
  • Maaaring mangasiwa o mamahala sa mga gawain ng iba pang optician o mga estudyanteng optician.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Kinakailangan ang pagkumpleto ng dalawa o tatlong taong programa sa kolehiyo sa dispensing ng mga kagamitang pangmata o mga agham optikal.
  • Kinakailangan ang lisensiya mula sa regulatory body para sa mga optician sa lahat ng probinsiya.
  • Nagkakaiba-iba ayon sa probinsiya ang mga kinakailangan sa paglilisensiya para sa saklaw ng pagsasagawa ng propesyon at sa mga protektadong titulo na may kaugnayan sa pagbebenta o pagbibigay at pag-aakma ng contact lens.