Mga Hanapbuhay

Pharmacist

Pharmacist
NOC 31120
  • Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Mga parmasyutiko sa komunidad at mga parmasyutiko sa ospital
  • Suriin ang mga reseta upang matiyak na tama ang dosis
  • Bumuo ng mga iniresetang produktong parmasyutiko sa pamamagitan ng pagkalkula, pagsukat at paghahalo ng kinakailangang dami ng mga gamot at iba pang sangkap, at paglalagay ng tamang dami sa angkop na mga lalagyan
  • Magbigay ng mga iniresetang gamot sa mga customer o iba pang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, at payuhan sila tungkol sa mga indikasyon, kontraindikasyon, masamang epekto, interaksiyon ng mga gamot at dosis
  • Panatilihin ang mga tala ng gamot ng mga customer, kabilang ang rehistro ng mga lason at mga narkotiko at kontroladong gamot
  • Tiyakin ang wastong paghahanda, pag-iimpake, pamamahagi at pag-iimbak ng mga bakuna, serum, biyolohikal na produkto at iba pang gamot at produktong parmasyutiko
  • Umorder at magpanatili ng imbentaryo ng mga suplay na parmasyutiko
  • Payuhan ang mga customer sa pagpili at paggamit ng mga gamot na mabibili nang walang reseta
  • Mag-renew ng mga kasalukuyang reseta sa mga limitadong pagkakataon
  • Maaaring baguhin ang pormulasyon, iskedyul, tagal o ruta ng pagbibigay ng gamot
  • Maaaring mangasiwa at mag-ugnay sa mga gawain ng iba pang parmasyutiko, katulong sa parmasya, teknisyan sa parmasya at iba pang kawani.
  • Mga parmasyutikong pang-industriya
  • Makibahagi sa pananaliksik para sa pagbuo ng mga bagong gamot
  • Bumuo ng mga bagong produktong gamot na nilikha ng mga medikal na mananaliksik
  • Subukan ang mga bagong produktong gamot para sa katatagan at upang matukoy ang mga pattern ng pagsipsip at pag-aalis ng mga ito sa katawan
  • Mag-ugnay sa mga klinikal na pagsisiyasat sa mga bagong gamot
  • Kontrolin ang kalidad ng mga produktong gamot habang ginagawa ang mga ito upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga pamantayan ng bisa, kadalisayan, pagkakapare-pareho, katatagan at kaligtasan
  • Bumuo ng mga materyal na nagbibigay-impormasyon tungkol sa mga gamit, katangian at panganib ng mga partikular na gamot
  • Suriin ang paglalagay ng label, pag-iimpake at pag-aanunsiyo ng mga produktong gamot
  • Itaguyod ang mga produktong parmasyutiko sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Kinakailangan ang digri sa parmasya mula sa unibersidad at panahon ng pinangangasiwaang praktikal na pagsasanay.
  • Kinakailangan ang lisensiya sa lahat ng lalawigan at teritoryo para sa mga parmasyutiko sa komunidad at mga parmasyutiko sa ospital.