- Isinasagawa ng pangkat na ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Pinangangasiwaan, pinag-uugnay at itinatakda ang iskedyul ng mga gawain ng mga manggagawang nag-aassemble, gumagawa at nag-iinspeksiyon ng mga produkto gaya ng alahas, orasan, relo, bisikleta, mga produktong gawa sa kahoy, kagamitang pampalakasan at laruan
- Nagtatatag ng mga pamamaraan upang matugunan ang mga iskedyul sa trabaho at pinag-uugnay ang mga gawain sa trabaho sa iba pang mga departamento
- Nilulutas ang mga suliranin sa trabaho at nagrerekomenda ng mga hakbang upang mapahusay ang produktibidad at kalidad ng produkto
- Nagre-request ng mga materyales at suplay
- Nagsasanay sa mga manggagawa tungkol sa kanilang mga tungkulin, mga pamamaraan sa kaligtasan at mga patakaran ng kompanya
- Nagrerekomenda ng mga hakbang para sa mga tauhan, gaya ng pagkuha at pag-promote
- Naghahanda ng mga ulat sa produksyon at iba pang ulat
- Maaaring mag-set up ng mga makina at kagamitan.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Maaaring kailanganin ang pagtatapos ng sekondaryang paaralan.
- Karaniwang kailangan ang ilang taong karanasan bilang assembler o inspektor sa parehong kompanya.