- Ginagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Magpatakbo ng sasakyang-dagat pangisda upang hanapin at hulihin ang mga isda at iba pang lamang-dagat
- Pumili ng lugar na pangisdaan, magplano ng mga ruta at kalkulahin ang mga posisyong pandagat gamit ang mga compass at mapa o mga elektronikong pantulong sa pangingisda
- Mamangka at magpatakbo ng mga instrumentong pangnabigasyon
- Magpatakbo ng mga gamit sa pangingisda, mamahala sa mga operasyon ng pangingisda at mangasiwa sa mga miyembro ng tripulante
- Magsagawa ng pagpapanatili sa makina, mga gamit sa pangingisda at iba pang kagamitan sa sasakyang-dagat
- Magtala ng mga gawain sa pangingisda, lagay ng panahon at kondisyon ng dagat
- Tantiyahin ang mga gastos sa operasyon at magplano ng badyet para sa bawat panahon ng pangingisda
- Magtakda ng plano sa pagbebenta ng isda at magtago ng mga talaan ng lahat ng transaksiyong pinansyal
- Maaaring maghatid ng isda sa mga planta ng pagpoproseso o mga mamimili ng isda.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Karaniwang kinakailangan ang ilang taong karanasan bilang tripulante o katulong sa sasakyang-dagat pangisda.
- Kinakailangan ng Transport Canada ang Sertipiko sa mga Tungkuling Pang-emerhensiya sa Karagatan (Marine Emergency Duties Certificate).
- Kinakailangan ang balidong Sertipiko ng Operator ng Sasakyang-Dagat Pangisda (Fishing Vessel Operator Certificate).
- Kinakailangan ang lisensiya sa komersiyal na pangingisda.
- Kinakailangan ang mga lisensiya para sa bawat uri ng isdang hinuhuli.
- May boluntaryong sertipikasyon sa kalakalan para sa mga mangingisda sa Newfoundland and Labrador.