Mga Hanapbuhay

Pest controller at fumigator

Pest controller at fumigator
NOC 73202
  • Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Regular na sinisiyasat ang mga gusali at mga lugar sa labas, o nagsasagawa ng inspeksiyon kapag hiniling ng may-ari ng ari-arian, upang matukoy ang mga palatandaan ng pamumugar ng peste
  • Tinutukoy ang kinakailangang uri ng paggamot at nagbibigay sa mga kliyente ng tantiya sa gastos
  • Naghahanda at nag-iisprey ng pinaghalong kemikal sa mga lugar na pinamumugaran ng peste gamit ang mekanikal o de-koryenteng pang-isprey upang patayin ang mga insekto, daga at iba pang peste
  • Nagsasagawa ng pagpapausok sa mga tirahan
  • Naglalagay at nag-aayos ng mga bitag upang hulihin at alisin ang mga hayop, gaya ng mga skunk o raccoon
  • Nagkakabit ng mga harang para sa pagkontrol ng hayop, gaya ng mga strip na may tinik, lambat at iba pang kagamitan upang hindi makapasok ang mga hayop sa ari-arian
  • Naglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng peste gamit ang kalaykay, pala, walis o mop
  • Nagpapayo sa mga kliyente kung paano maiwasan ang pamumugar ng peste.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Karaniwang kinakailangan ang pagtatapos ng sekondaryang paaralan.
  • Karaniwang kinakailangan ang pagkumpleto ng mga kurso sa pagkontrol o pagpuksa ng peste, o ilang buwang pagsasanay habang nagtatrabaho.
  • Kinakailangan sa lahat ng lalawigan ang lisensiya ng tagapaglagay ng pestisidyo na inisyu ng lalawigan.