Mga Hanapbuhay

Aircraft instrument, electrical at avionics mechanic

Aircraft instrument, electrical at avionics mechanic
NOC 22313
  • Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Mga mekaniko at teknisyan ng instrumento ng sasakyang panghimpapawid
  • Magkumpuni at mag-overhaul, magkabit, mag-calibrate at magsubok ng mga instrumento ng sasakyang panghimpapawid.
  • Mga mekaniko at teknisyan ng elektrikal na sistema ng sasakyang panghimpapawid
  • Magkumpuni at mag-overhaul, magbago, magkabit at magsubok ng mga sistemang elektrikal at kagamitan ng sasakyang panghimpapawid.
  • Mga mekaniko at teknisyan ng avionics
  • Mag-troubleshoot, magkumpuni at mag-overhaul, magsubok, magbago, magkabit at magsiyasat ng mga elektronikong sistema at bahagi ng sasakyang panghimpapawid, kabilang ang mga kagamitan para sa komunikasyon, nabigasyon at awtomatikong paglipad.
  • Mga inspektor ng avionics
  • Magsiyasat at magsubok ng mga sistema ng instrumento, elektrikal at avionics ng sasakyang panghimpapawid, at tiyaking sumusunod sa mga pamantayan ng Transport Canada at kompanya tungkol sa pagganap at kaligtasan ang pagkakabit, pagpapanatili, pagkukumpuni at overhaul ng mga sistemang ito.
  • Nagseserbisyo at sumusubok ng mga bahaging elektrikal, elektroniko at pang-instrumento ang mga mekaniko at teknisyan ng sasakyang panghimpapawid na nagtatrabaho sa mga pagawaan para sa pagkukumpuni at overhaul.
  • Nagti-troubleshoot, nagkukumpuni, nagkakabit at nagsisiyasat ng mga sistema at bahagi ng sasakyang panghimpapawid ang mga mekaniko at teknisyan ng avionics na nagtatrabaho sa mga hangar ng pagpapanatili.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Kinakailangan sa mga mekaniko at teknisyan ng instrumento at avionics ng sasakyang panghimpapawid ang pagkumpleto ng dalawa hanggang tatlong taong programa sa kolehiyo sa avionics o elektronika.
  • Kinakailangan sa mga mekaniko at teknisyan ng elektrikal na sistema ng sasakyang panghimpapawid ang pagkumpleto ng programa sa kolehiyo bilang teknisyan ng elektrikal o elektronika.
  • Kinakailangan sa lahat ng mekaniko at teknisyan sa pangkat na ito ang apat na taong pagsasanay sa trabaho o apprenticeship ng kompanya.
  • Kinakailangan sa mga inspektor ng avionics ang pagkumpleto ng dalawa hanggang tatlong taong programa sa kolehiyo sa avionics o elektronika, at tatlo hanggang limang taong karanasan bilang mekaniko o teknisyan ng avionics.
  • Kinakailangan ang lisensiya bilang Aircraft Maintenance Engineer (AME), kategoryang E – avionics, na inisyu ng Transport Canada sa mga inspektor, mekaniko at teknisyan ng avionics na lumalagda sa mga dokumento ng pagpapahintulot na ibalik sa serbisyo ang sasakyang panghimpapawid at nagpapatunay sa pagiging karapat-dapat nitong lumipad.
  • May sertipikasyon sa industriya mula sa Canadian Council for Aviation & Aerospace (CCAA) para sa ilang trabaho sa pangkat na ito.
  • Sa Quebec, kinakailangang maging miyembro ng regulatory body para sa mga propesyonal na teknolohista upang magamit ang titulong "Professional Technologist."