Mga Hanapbuhay

Opisyal ng conservation at fishery

Opisyal ng conservation at fishery
NOC 22113
  • Isinasagawa ng pangkat na ito ang ilan o ang lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Magpalaganap ng kaalaman ng publiko tungkol sa pangangalaga ng mga isda at ligaw na hayop at sa mga kaugnay na regulasyon
  • Magsagawa ng mga pagpapatrolya gamit ang trak, sasakyang panghimpapawid, bangka o paglalakad upang matiyak ang pagsunod sa mga batas panlalawigan at pederal tungkol sa mga isda, ligaw na hayop at kapaligiran
  • Magsiyasat ng mga reklamo, umaresto sa mga lumalabag, maghanda ng mga salaysay ng kaso at magharap ng ebidensya sa hukuman
  • Mag-isyu ng mga lisensya, dokumento sa pag-export at espesyal na permit, at mangolekta ng mga royalty na ipinapataw sa mga yamang isda, ligaw na hayop at troso
  • Magpatupad at mangasiwa ng mga aprubadong paraan upang maiwasan o malampasan ang pinsalang dulot ng mga ligaw na hayop
  • Magsagawa ng mga tungkulin sa pangangalaga ng mga yaman, tulad ng pag-inspeksyon sa mga gamit at kagamitan sa pangingisda at pagsubaybay sa mga aktibidad ng pangingisda upang matiyak ang pagsunod sa mga regulasyon
  • Mangalap ng datos tungkol sa mga yaman sa pamamagitan ng pag-iimbentaryo ng mga isda, pagkolekta ng mga sample ng tubig at pagtulong sa mga biyologo sa siyentipikong pananaliksik
  • Mangasiwa o magbigay ng mga kurso sa kaligtasan sa paggamit ng baril at edukasyon para sa mga patibongero.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Karaniwang kailangan ang pagtatapos ng programang pangkolehiyo sa pamamahala ng mga nababagong yaman, pangangalaga sa kapaligiran o kaugnay na disiplina.
  • May ibinibigay na pagsasanay habang nagtatrabaho at mga kursong may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas at pamamahala ng mga yaman.
  • Maaaring kailanganin ang lisensya sa pagmamaneho na Class 5, lisensya bilang tagapag-aplay ng pestisidyo at lisensya para sa mga pampasabog.