Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado
Minimum na Mga Kinakailangan sa Pagpasok:
Alberta: Limang Grade 12 na kurso na may numerong 30 o 31
British Columbia: Apat na Grade 12 na kursong may pagsusulit (mga kursong may % na marka at hindi letter grades)
Manitoba: Limang academic na Grade 12 na kurso sa level 40 o dating level 300
New Brunswick: Limang academic na Grade 12 na kurso na may numerong 121 o 122 (maaaring isaalang-alang ang mga kursong may numerong 120)
Newfoundland: Anim na two-credit academic na kurso sa level 3
Nova Scotia: Limang Grade 12 na kurso sa level 541 (maaaring isaalang-alang ang level 441 na mga kurso)
Nunavut/Northwest Territories: Limang Grade 12 na kurso na may numerong 30 o 31
Ontario: Kumbinasyon ng anim na 4U, 4M at/o
OAC
Prince Edward Island: Limang Grade 12 na kurso na may numerong 611 o 621
Quebec*: Isang taon ng CEGEP na natapos na may minimum na 12 academic subjects
Saskatchewan: Limang Grade 12 na kurso na may numerong 30 o 30A
Yukon: Apat na Grade 12 na kursong may pagsusulit (mga kursong may % na marka at hindi letter grades)* Ang mga aplikante mula sa Quebec na nakatapos ng dalawang taong
CEGEP program ay isasaalang-alang para sa admission na may advanced standing. Ang mga aplikanteng nakatapos ng tatlong taong professional program sa isang CEGEP na may cumulative average
na ‘B’ o mas mataas ay isasaalang-alang para sa admission na may advanced standing hanggang sa maximum na 30 credits.