Mga Hanapbuhay

Esthetician at electrologist

Esthetician at electrologist
NOC 63211
  • Ang grupong ito ay nagsasagawa ng ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Mga esthetician
  • Nagsasagawa ng mga paggamot sa mukha at iba pang bahagi ng katawan gamit ang mga espesyalisadong produkto at pamamaraan.
  • Mga cosmetician
  • Nagpapayo sa mga kliyente tungkol sa paggamit ng makeup at iba pang produktong pampaganda at naglalagay ng makeup sa mga kliyente; maaaring magpakadalubhasa sa paglalagay ng makeup sa mga modelo o ibang tao para sa mga espesyal na okasyon.
  • Mga electrologist
  • Permanenteng nag-aalis ng hindi gustong buhok sa mukha o katawan ng kliyente gamit lamang ang karayom, mga espesyalisadong kagamitang elektrikal para sa pagtanggal ng buhok, laser at iba pang kagamitan.
  • Mga manikurista at pedikurista
  • Naglilinis, humuhubog at nagpapakintab ng mga kuko sa kamay at paa at nagbibigay ng mga kaugnay na paggamot.
  • Mga espesyalista sa paggamot sa anit
  • Naglalagay ng mga medicated lotion upang gamutin ang mga kondisyon ng anit at pagkalagas ng buhok.
  • Mga tattoo artist
  • Naglilinis at nagses-terilisa ng mga kagamitan sa pagta-tattoo at mga lugar ng trabaho; kumokonsulta at nagpapayo sa mga kliyente tungkol sa laki, kulay, disenyo at paglalagay ng body art; gumagamit ng demographer upang permanenteng kulayan ang balat ng kliyente gamit ang mga kemikal na tina; sumusunod sa mga pamamaraan sa kalusugan at kaligtasan; at maaaring maglagay ng pansamantalang disenyo sa balat ng kliyente.
  • Mga teknisyan sa pagpapalit ng buhok (hindi medikal)
  • Naghahanda at naglalagay ng mga hairpiece na ginawa ayon sa sukat sa anit ng kliyente, hinahabi ang buhok ng kliyente sa mga hairpiece at nagbibigay ng mga paggamot sa anit.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Kailangan ang pagtatapos ng high school o pagkumpleto ng mga programa sa kolehiyo o paaralan ng pagpapaganda para sa mga cosmetician, esthetician, electrologist, manikurista at pedikurista, o kaya ay ibinibigay ang pagsasanay habang nagtatrabaho.
  • Karaniwang kailangan ng mga electrologist ang sertipikasyon mula sa institusyong pang-edukasyon o pagsasanay para sa electrology.
  • Maaaring kailanganin ang pagiging miyembro ng isang panlalawigan o pambansang samahan ng electrolysis.
  • Maaaring kailanganin ang pagkumpleto ng rehistradong programa sa dermal therapy upang makapagbigay ng mga paggamot sa electrology gamit ang laser at para sa mga daluyan ng dugo.
  • Karaniwang kailangan ng mga esthetician ang sertipikasyon mula sa institusyong pang-edukasyon o pagsasanay para sa esthetics.
  • May programang apprenticeship para sa mga electrologist, esthetician at nail technician sa Manitoba. Sapilitan sa lalawigang iyon ang sertipikasyon sa trabaho para sa mga hanapbuhay na ito.
  • Kailangan ng lisensiya sa negosyo para sa mga manggagawang kabilang sa grupong ito na may-ari o nagpapatakbo ng mga negosyong nag-aalok ng mga serbisyong ito.
  • Kailangang sundin ng mga practitioner na nag-aalok ng mga personal na serbisyong ito ang mga pamamaraan para sa pagkontrol ng impeksiyon.