Mga Hanapbuhay

Cook

Cook
NOC 63200
  • Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Naghahanda at nagluluto ng kumpletong pagkain o mga indibidwal na putahe at pagkain
  • Naghahanda at nagluluto ng mga espesyal na pagkain para sa mga pasyente ayon sa tagubilin ng dietitian o chef
  • Nag-iiskedyul at nangangasiwa sa mga katulong sa kusina
  • Nangangasiwa sa mga operasyon ng kusina
  • Nangangasiwa sa imbentaryo at mga talaan ng pagkain, suplay at kagamitan
  • Maaaring maghanda at mangasiwa sa mga buffet
  • Maaaring maglinis ng kusina at lugar ng trabaho
  • Maaaring magplano ng mga menu, magtakda ng laki ng mga bahagi ng pagkain, magtantya ng mga pangangailangan at gastos sa pagkain, at sumubaybay at umorder ng mga suplay
  • Maaaring kumuha at magsanay ng mga kawani sa kusina.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

  • Karaniwang kinakailangan ang pagtatapos ng sekundaryang paaralan.
  • Maaaring kailanganin ang pagkumpleto ng tatlong-taong programa ng apprenticeship para sa mga kusinero, o pagkumpleto ng programang pangkolehiyo o iba pang programa sa pagluluto o kaligtasan sa pagkain, o ilang taong karanasan sa komersiyal na pagluluto.
  • May makukuhang sertipikasyon sa kalakalan sa lahat ng lalawigan at teritoryo, ngunit boluntaryo ito.
  • Makukuha rin ng mga kuwalipikadong kusinero ang Red Seal endorsement kapag matagumpay nilang naipasa ang interprovincial Red Seal examination.