- Ginagawa ng pangkat na ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Mga konduktor
- Pumipili at nagbibigay-kahulugan sa mga piyesang pangmusika, at namumuno sa mga banda, orkestra at koro sa mga ensayo at pagtatanghal.
- Mga kompositor
- Gumagawa ng mga komposisyong pangmusika, gaya ng mga tugtugin para sa telebisyon at pelikula, theme music, mga kanta, simponiya at musikang gagamitin sa mga interaktibong produkto gaya ng mga video game.
- Mga arranger
- Nag-aangkop at nagbabago ng mga komposisyong pangmusika upang maihatid ang mga temang ninanais at maiakma sa partikular na pagtatanghal na instrumental at vokal.
- Karaniwang nagdadalubhasa ang mga konduktor, kompositor at arranger sa isang partikular na genre ng musika, gaya ng klasikal, country, jazz o popular na musika.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Karaniwang kailangan ang degree sa musika mula sa unibersidad o pagtatapos ng programa sa akademya, konserbatoryo o paaralan ng musika.
- Karaniwang kailangan ang panahon ng espesyalisadong pag-aaral na may kaugnayan sa pagko-conduct, pagko-compose o pag-a-arrange.
- Kailangan ang karanasan bilang musikero.
- Mahalagang pamantayan sa pagkuha ng empleyado ang talento at kakayahang musikal at malikhain, na maipakikita sa pamamagitan ng portfolio ng mga likha.