Mga Hanapbuhay

Journalist

Journalist
NOC 51113
  • Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
  • Mangalap ng lokal, pambansa at internasyonal na balita sa pamamagitan ng mga panayam, pagsisiyasat at pagmamasid
  • Sumulat ng mga balita para ilathala at ipalabas
  • Tumanggap, magsuri at magberipika ng mga balita at iba pang kopya upang matiyak ang katumpakan ng mga ito
  • Magsaayos at magsagawa ng mga panayam bilang bahagi ng pananaliksik at para sa mga programa sa radyo at telebisyon
  • Magsaliksik at mag-ulat tungkol sa mga pag-unlad sa mga espesyalisadong larangan gaya ng medisina, agham at teknolohiya
  • Regular na maghanda ng mga kolum at lathalain tungkol sa mga espesyalisadong paksa
  • Sumulat ng mga editoryal at komentaryo tungkol sa mga paksang napapanahon upang pukawin ang interes ng publiko at ipahayag ang mga pananaw ng isang publikasyon o himpilan ng pagsasahimpapawid
  • Sumulat ng mga kritikal na rebyu ng mga akdang pampanitikan, musikal at iba pang artistikong akda batay sa kaalaman, pagpapasya at karanasan
  • Maaaring magpakadalubhasa ang mga mamamahayag sa print, broadcast o webcast media, sa mga partikular na usapin gaya ng politika o balita sa aliwan, o sa isang partikular na heograpikong lugar.

Mga Kinakailangan sa Trabaho

Karaniwang kinakailangan ang digri sa unibersidad o diploma sa kolehiyo sa pamamahayag o kaugnay na larangan gaya ng komunikasyon.