- Ginagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Magtakda ng mga pamamaraan at magpatupad ng mga patakaran sa mga kumpanya ng pahayagan at paglalathala, kumpanya ng produksiyon ng pelikula, teatro, rekording at video, at mga istasyon ng radyo at telebisyon
- Magplano at magpanatili ng mga iskedyul ng produksiyon para sa mga publikasyon, pelikula, broadcast, at mga produksiyon sa teatro, rekording at video
- Maghanda at mangasiwa ng mga badyet
- Mag-recruit at mangasiwa ng mga kawani
- Makipagkonsulta sa mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa regulasyon upang suriin at tasahin ang mga programa at patakaran, at tiyaking sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon
- Magsimula o mag-apruba ng pagbuo ng mga artikulo, aklat, pelikula, broadcast, rekording ng musika at produksiyon sa teatro, at makipag-ugnayan sa mga awtor, kompositor, prodyuser at direktor.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Karaniwang kailangan ang degree sa unibersidad o diploma sa kolehiyo sa komunikasyon, pagsasahimpapawid, pamamahayag o iba pang larangan ng sining.
- Karaniwang kailangan ang ilang taong karanasan sa industriya ng paglalathala, produksiyon ng pelikula, pagsasahimpapawid o teatro.