- Isinasagawa ng grupong ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Mga paralegal
- Tumutulong sa mga abogado sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga kliyente, saksi at iba pang kaugnay na partido, pangangalap ng dokumentaryong ebidensiya, paghahanda ng mga brief para sa paglilitis, at pagsasaayos ng mga paglilitis
- Tumutulong sa mga abogado sa paghahanda para sa pamamagitan at mga proseso ng hudisyal na paglutas ng alitan
- Sa ilalim ng pangangasiwa ng abogado, naghahanda ng mga testamento, dokumento sa transaksiyon ng real estate at iba pang legal na dokumento, ulat sa hukuman at sinumpaang salaysay
- Nagsasaliksik ng mga rekord, file ng hukuman at iba pang legal na dokumento
- Gumagawa ng legal na sulat at nagsasagawa ng pangkalahatang gawain sa opisina at mga gawaing klerikal.
- Mga independiyenteng paralegal
- Kumakatawan sa mga kliyente sa hukuman para sa maliliit na paghahabol at sa iba pang paglilitis sa mababang hukuman, sa mga tribunal at sa mga administratibong lupon
- Nagpapayo sa mga kliyente at nagsasagawa ng legal na aksiyon sa mga usapin ng may-ari ng paupahan at nangungupahan, mga paglabag sa batas-trapiko, pagpapalit ng pangalan at iba pang usaping saklaw ng kanilang hurisdiksiyon.
- Mga justice of the peace
- Nag-iisyu ng mga subpoena, patawag at warrant, kabilang ang mga search warrant
- Tumatanggap ng mga sinumpaang salaysay, deklarasyon at pagpapatibay
- Nangangasiwa sa panunumpa
- Nagsasagawa ng mga pagdinig tungkol sa piyansa
- dumidinig ng ebidensiya sa mga paglilitis para sa mga paglabag na hinahatulan sa paraang buod at maaaring mamuno sa mga paglilitis sa mga kasong kriminal ayon sa pagpapasya ng punong hukom ng hurisdiksiyon o alinsunod sa mga pederal, panlalawigan o panteritoryong batas
- Nagsasagawa ng mga kasalang sibil
- Nagrerehistro ng mga testamento, probate, bangkarota at iba pa.
- Mga notary public
- Nangangasiwa sa panunumpa at kumukuha ng mga sinumpaang salaysay at deposisyon
- Sumasaksi at nagpapatunay sa pagiging balido ng mga lagda sa mga dokumento
- Maaaring bumuo ng mga kontrata, maghanda ng mga promissory note at gumawa ng mga testamento, sangla at iba pang legal na dokumento
- Maaaring magsaayos ng mga probate at mangasiwa sa mga ari-arian ng mga yumao.
- Mga ahente ng trademark
- Nagpapayo sa mga kliyente tungkol sa mga usapin ng intelektuwal na pag-aari at kumakatawan sa kanila sa harap ng Registrar of Trade-Marks sa mga usaping kabilang ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ng mga trademark
- Nagpapayo tungkol sa pagiging maaaring mairehistro ng mga trademark, mga kinakailangan sa paglilisensiya ng trademark, paglilipat ng intelektuwal na pag-aari at pangangalaga sa mga umiiral na karapatan sa trademark
- Kumakatawan sa mga kliyente sa mga proseso sa harap ng Trade Marks Opposition Board at sa mga kaugnay na proseso
- Maaaring kumatawan sa mga kliyente sa buong mundo sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang katuwang at abogado.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Kinakailangan sa mga paralegal sa mga law firm ang bachelor’s degree sa batas o diploma mula sa kolehiyo ng batas, at pagsasanay sa loob ng kompanya mula sa law firm o ibang legal na institusyon.
- Kinakailangan sa mga independiyenteng paralegal ang kaalaman sa mga legal na prinsipyo at pamamaraan, na karaniwang nakukuha sa mga kursong itinataguyod ng industriya at sa pamamagitan ng karanasan, o sa pagkumpleto ng programa sa paralegal sa isang kolehiyong pangkomunidad.
- Kinakailangan ng lisensiya ang mga paralegal upang makapagbigay ng mga advanced na serbisyong legal.
- Nag-iiba-iba ang mga kinakailangan para sa mga justice of the peace. Maaaring kailanganin ang karanasan sa batas at sistema ng hustisya, o pagkumpleto ng programa sa pagsasanay para sa justice registrar, justice of the peace o iba pang pagsasanay sa hukuman, depende sa mga tungkulin at responsibilidad.
- Itinatalaga ang mga justice of the peace sa mga lalawigan ng tenyente gobernador sa konseho, at sa mga teritoryo naman ng mga komisyoner ng teritoryo na itinalaga ng pederal na pamahalaan.
- Karaniwang kinakailangan sa mga notary public ang degree sa unibersidad sa batas o kaugnay na larangan.
- Itinatalaga ang mga notary public matapos suriin at sertipikahan ng namamahalang hudikatura sa kanilang lalawigan o teritoryo ang kanilang mga kwalipikasyon. May mga partikular na limitasyon sa mga aktibidad na maaari nilang gawin ang lahat ng pagtatalaga, at may takdang panahon ang mga ito.
- Kinakailangan sa mga notary public ang lisensiyang panlalawigan. Sa British Columbia, kinakailangan din ang pagiging miyembro ng Society of Notaries Public.
- Upang mabigyan ng lisensiya, kailangang magtrabaho ang mga ahente ng trademark nang dalawang taon sa larangan ng batas sa trademark, kabilang ang paghahanda at pagproseso ng mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ng trademark, at matagumpay na makapasa sa pagsusulit na magkasamang isinasagawa ng Intellectual Property Institute of Canada at ng Registrar of Trade-Marks ng Canadian Intellectual Property Office, o ng alinman sa mga nabanggit. Maaari ring maging kuwalipikado ang isang abogado na may karapatang magsanay sa Canada.
- Kinakailangan sa mga ahente ng trademark ang pagpaparehistro sa pederal na Trade-Mark Office.
Karagdagang Impormasyon
Ang 1227 ay nagpapatuloy bilang 14103, at ang isang bahagi nito ay inilipat sa 10019 at 42200