- Isinasagawa ng pangkat na ito ang ilan o lahat ng sumusunod na tungkulin:
- Mga metalurhista
- Nagsasagawa ng mga pag-aaral tungkol sa mga katangian at paggawa ng mga metal at haluang metal.
- Mga siyentista sa lupa
- Nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa komposisyon, distribusyon at pagbabago ng mga lupa sa paglipas ng panahon.
- Mga siyentista sa materyales
- Nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa mga katangian, komposisyon at paggawa ng mga materyales gaya ng seramika at mga pinagsamang materyales.
- Mga astronaut
- Nag-uutos, nagpapatakbo o nagsisilbing tripulante ng isang sasakyang pangkalawakan upang magsagawa ng mga siyentipikong eksperimento at pananaliksik, at nakikibahagi sa mga misyon sa kalawakan bilang mga espesyalista sa misyon upang magpanatili ng sasakyang pangkalawakan, magkabit at magkumpuni ng kagamitan sa estasyon sa kalawakan, at maglunsad at muling sumagip ng mga satelayt.
Mga Kinakailangan sa Trabaho
- Kailangan ang bachelor’s degree sa metalurhiya, pisika, kimika o kaugnay na disiplina sa physical science.
- Karaniwang kailangan ang master’s o doctoral degree upang makapagtrabaho bilang research scientist.
- Maaaring kailanganin sa ilang trabaho sa pangkat na ito ang mga advanced degree sa malawak na hanay ng mga larangan ng applied science, gaya ng inhinyeriya o medisina, o mga lisensiya.